Friday, December 3, 2010

para sa mga dapat na makaalam...

Nalalaman ko…
                …na mapalad ang mapabilang sa isang komunidad na may pagkakaisa at pinaglalaban kung ano ang tama.. masarap sa pakiramdam ang alam mong may kasama kang maninindigan sa mga bagay na pinaglalaban nyo dahil may iisa kayong prinsipyo…

Teka. Bakit ba pinanghihimasukan ng sanaysay kong ito ang napakalawak na usaping pang-komunidad gayong maaari at mas tama naman yata kung magsimula ako sa aking sarili? Sa pinakamalaking bagay na alam kong pag-aari ko at pagpapakilala sa mga bagay na nararanasan ko at kung ano ang mayroon ako ngayon… upang malaman ng marami na mapalad din sila na tulad ko...
Sisimulan kong muli ang isang sanaysay kahit na hindi ko talaga malaman kung sa paanong paaran ko maihahayag nang husto ang aking sariling saloobin.

Nalalaman ko…
                …na masarap magkaroon ng isang propesor na tila mga magkaka-edad sila ng kanyang mga mag-aaral.. na handang magbahagi ng kanyang kaalaman sa lahat ng bagay lalo na kung mga bagay na pang-akademiko ang pag-uusapan..isang propesor na GO kung GO sa mga malayang talakayan sa kanyang klase basta’t may kaugnayan ito sa araling tinatalakay.. isang propesor na sadyang maka-nanay at kitang-kita naman iyon sa kanyang mga kinikilos.. [ para kay Propesor M.O.M. ]

…na masarap mapabilang sa isang klase sa silid aralan na nabubuo lamang ng 13-17 na estudyante.. ang ilan ay irregular students pa kaya hindi ko mawari kung ilan talaga ang eksaktong bilang namin.. masarap kapag sama-sama naming hinaharap ang mga hamon at mahihirap na proyektong kailangang ipasa sa mga propesor..masarap kapag nalalaman ko na sadyang ang bawat isa sa amin ay hindi nag-iisa sa bawat problema..napakadaming kwento ng pakikipag-sapalaran sa buhay ang aking natuklasan sa klaseng iyon..at nalaman at napatunayan kong hindi ako nag-iisa. [ para sa SNF 3rd year batch 2010-2011 ]

…na masarap ang magkaroon ng  mga kaibigan.. sila na handang tumulong at sumoporta sa akin ano mang oras.. sila na talagang nagtitiwala sa aking kakayahan.. sila na kung minsan ay biglang nawawala sa senaryo ng buhay ko pero kapag ako’y nangangailangan ng mga tunay na maasahan ay bigla-biglang susulpot na tila mga kabuti at aalalay sa akin.. aminado naman akong magkakaiba ang aming mga hilig lalo na sa mga kursong pinasok namin subalit hindi sapat na dahilan iyon upang malimitahan ang aming pagkakaibigan dahil naniniwala ako na ang pagkakaibigan ay hindi ang pagkakaroon ng pagkakatulad sa lahat ng bagay subalit ito’y higit na mapapatunayan sa pagkakaroon ng respeto at pag-galang sa kanya-kanyang pagkakaiba.. iyon para sa akin ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.. kahit marami ang pagkakaiba ay nagpapasalamat pa rin ako sa lahat ng bagay at ala-ala na ating pinagsaluhan at pagsasaluhan pa. [ para sa NNG, sa PINKIEZ, sa AGUIDILLANZ, at sa lahat na sumusuporta sa akin.. pagpasensiyahan niyo na at inyong unawain na kung papangalan ko lahat ay hindi ko matatapos ang sanaysay na ito.. ]

…na masarap magkaroon ng ninang na kambal na IN sa lahat ng bagay..sa mga biglaang handaan ay nakasuporta at ready sila ( halloween party ) .. ang mga pambato namin sa cooking marathon dahil kahit bandehado ang lulutuin ay masarap pa rin ang timpla.. sa simpleng pag-download ng mga movies ay talagang natutulungan nila ako sa aking mga proyekto lalo na sa thesis..ikaw na ang magkaroon ng ninang ( isa-isip na kambal pa sila. ) na talagang maasahan sa lahat ng oras ay maglululundag ka din sa saya..parang ginagawa ko kung minsan iyon.. sila na nagbibigay ng mga pangaral sa mga pagkakataong kailangan ko ito.. hindi ko man masabi kung gaano ako kasaya na magkaroon ng tulad nila, sa puso ko..the best talaga sila.. [ para kay ninang LEEN-LEEN at ninang LIZA..weeh gumaganun ako.. hahaha J ]

…na masarap magkaroon ng mga fashionistang tita..na sa pagpunta sa pasig palengke kapag miyerkules ng gabi ay go na go sila..na laging handa sa mga proyektong nais naming gawin, (ang t-shirt na hindi na natuloy-tuloy).. magkaroon ka na ng mga tita na laging nagbabantay sa amin kung wala si mommy..sila na laging umaalalay at sumasaway sa amin lalo kapag nag-aaway kaming magkakapatid.. sila na talagang maituturing na second nanay naming magpipinsan.. hindi man maipagtapat ng sarili ko na napakapalad ko na biniyayaan ako ng tulad nila, makikita naman iyon sa aking mga mata.. titas, salamat po nang bongga.. J [ para sa mga tita ko, tita dolly, san ka man po ngayon, miss na po namin kayo! ]

…na masarap ang magkaroon ng mga mapagmahal na tito..na kapag tinext ng mommy ko na i-check ang mga bata ay wala pang limang minuto ay naka-check na sila sa bahay naming noon na giniba na ngayon..magkaroon ka na ng titong ihahatid si ate sa buting kung madaling araw ay talagang ikatutuwa mo.. ang mga tito na akala mo’y hindi marunong umiyak, kapag may selebrasyon ay magugulat ka at matatawa ng bahagya sapagkat ang mga ito ang nag-uunahan s apag-iyak. Ikaw na ang magkaroon ng mga titong tulad nila ay sadyang magpapasalamat sa Panginoon sapagkat napabilang sa ganitong klase ng pamilya. [ para sa mga tito ko..lalo na sa mga tito kong iyakin, si sangko at tito nonoy ..hahaha.. kay tito reggie, tito regs, san ka man ngayon, kasama ang tita dolly, mahal na mahal po namin kayo! ]

…na masarap at pinaka-the best ang magkaroon ng mga pinsang laging naka-tambay sa amin.. sila na laging go sa mga gala at magkaroon kami ng iisang hilig.. ang magdiwang ng kaarawan kasama sila, may handa man o wala ay sadyang napakasaya na.. ang magkaroon ng samahang hindi kayang buwagin ninoman ay sadyang isang napakalaking biyaya sa akin..magkaroon ka na ng mga pinsan na kung umasta kung minsan ay tila mga may sabit sa utak.. pana-panahon ang sumpong ng mga sabit na iyon, kung mamaya ay si buybuy, bukas naman si ambin, sa isang araw ay si yssay, minsan sabay pa si ate, mikee at ion sa pagsumpong ng mga sabit na talagang nakakaloko pag iisipin na normal naman kaming lahat..pinakamadalas talagang sumpungin ay si ate mimay na biglang tatakbo o biglang magsasalita na ikinagugulat ko kung minsan ( naisip ko tuloy, may lahi ba kaming baliw? Hahaha ). Ako na biniyayaan ng mga pinsang tulad nila ay very much appreciated na..e paano pa kaya kung naging magkakapatid kami? Super duper ever saya na siguro nun.. laging may samu’t saring kwento.. mula paaralan hanggang sa paraan ng pagtulog sa jip.. hanggang sa makasalubong ang isang mamang may kutsilyo sa kanto ng magtanggol at mangingilabot at ang adrenalin ay biglang aatake..tatakbo pabalik ng san juaquin, ( kay yssay at ambin ) .. ikaw na ang magkaroon ng mga pinsang tulad nila, baka mawala sa isipan ang mga problemang/proyektong kelangan gawin.. pati ba naman sa pag-gawa ko ng lesson plan ay katuwang ko sila..aba! wala na talaga akong hihingin pa.. di ko man nababanggit sa inyo, ay naku! I am super blessed to have all of you. [ para sa mga pinsan ko, sa lahat ng mga pinsan ko.. love you cousins. J ]
…na ang mapabilang sa isang angkang napakalaki ay isa ring napakalaking biyaya.. isang angkang hindi natitinag..hindi mabubuwag..laging susuporta.. ayan ang angkang kinabibilangan ko.. ang CASTILLO family na halos kamag-anak yata ang lahat ng tao sa Pateros.. I am proud of this super big family! [ para sa CASTILLO family..]
…na ang magkaroon ng mga ate na masusungit pero very supportive ay ikasasaya mo..ang panganay na laging nakataas ang kilay, laging masungit at tila si tandang sora eh kakatakutan ng lahat, pero kapag inatake ng kalokohan ay biglang manghahampas ng kahit ano.. biglang magbibiro ng kung ano-ano.. ang magkaroon ng ditse na laging tulog sa jip., kulang na lang ay tumulo ang laway sa sobrang himbing.. si ditse na nagdadala ng pagkain sa room ko kapag hindi ako makababa ng building namin. Silang dalawa na msungit at sinasabing hindi ko daw sila kamukha.. ( ampon ba ako? Hmmm.. ) sila na  talagang nakakaunawa sa aking mga kahinaan..di ko man masabi sa inyo mga sis, mahal na mahal ko kayo. J tandaan na andito lang ako.. [ para sa dalawang ate ko na laging nakasimangot. ]

…na ang magkaroon ng daddy na mag-i-spoiled sa akin, na magmamahal at laging po-protekta..isang daddy na kahit plain tatay ay nagampanan ang tungkulin bilang isang ama at hiligi ng tahanan..ang magkaroon ng daddy na nagmamahal sa aming magkakapatid, ay sadyang isang bonggang biyaya na.. alam kong masaya siya ngayon sapagkat napapagtapos ni mommy kaming magkakapatid.. alam kong masaya siya sapagkat ang pangarap na bahay ay nabubuo na.. wala na ang bahay na butas butas ang bubong.. di ko man napaulan sa kanya ang mga katagang I love you noon, alam ko naman na kahit papano ay naiparamdam ko sa kanya iyon.. dad, di ko man nasasabi palagi noon sa iyo, mahal na mahal po kita! Bantayan mo po kami nila mommy palagi. [ para sa daddy ko, san ka man ngayon dad, I love you and I miss you so much po! ]
…na ang magkaroon ng mommy na handang gawin ang lahat para maibigay ang pangangailangan naming magkakapatid ay isang napakalaking biyaya na sa aking buhay.. ang magkaroon ng isang mommy na pilit binibigay ang lahat ng luho kahit nahihirapan na sa pagbuhay sa amin ay napakagandang katotohanan na. isang mommy na tinatanggap ang mga kahinaan at pagkakamali ng kanyang mga anak.. isang mommy na.. hay naku ma, hindi ko na po malaman kung paano kita maipagmamalaki.. isang mommy na handang maghirap basta’t para sa ikabubuti ng mga anak, isang mommy na the best.. the best mom in the world is my mommy.. nothing to argue with that FACT. Ma, kung hindi ko po naipapakita at naipapadama na masaya ako na iakw ang mommy ko, sorry po.. pero ngayon gamit ang sananay at blog ko na ito, gusto ko pong malaman mo na mahal na mahal na mahal po kita mommy.. sorry sa lahat ng mga pagkakamali ko.. mahal na mahal po kita ma.. mag-iingat ka po palagi at maraming salamat po sa lahat ng ginawa mo para sa amin.. [ para sa the best mommy of the world.. I love you so much ma..        ]

Ang layunin ng sanaysay kong ito ay upang mailahad sa lahat na ako ay isang mapalad na tao.. hindi nais ng sanaysay ko ang makasakit o anu pa mang negatibong epekto sa mambabasa. Kung sinasabi mong mas mapalad ka mambabasa ng sanaysay ko sapagkat mas higit ang mga natanggap mong biyaya, bakit hindi mo ipagmalaki sa lahat ang mga bagay na nagpapatunay na isa kang biniyayaang nilalang.. isang hamon sa iyo mambabasa ng blog ko na maging matapang ka sa pagkakaroon ng lakas ng loob upang maihayag sa lahat ang mga pasasalamat at mga pagkakamaling nagawa mo. Bago ko nagawa ang sanaysay na ito ay inabot ako ng napakahabang oras at maraming panahon ang nasayang.. iyon ay dahil naging mahina ang aking loob.

 Ngayon mambabasa, bakit hindi ka magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap mo? Isang hamon sa mga mahihina ang loob ang inilalahad ko ngayon, wag nang hintayin pa ang pagkakataong hindi mo na masasabi sa kanila ang SALAMAT at I LOVE YOU..mag-isip isip ka bata..

tiderlie0922

Thursday, November 11, 2010

PaGLisan



“Pinapayuhan po ang lahat na lumikas panandali at manatili sa lugar na hindi binabaha, ang parating na bagyo ay sadyang malakas at kaligtasan ng aking pinamumunuan ang pinakamahalga sa panahon ng trahedya.” Rinig ni Faith ang mababang boses ng kanilang kapitan at kahit na gumagamit ito ng megaphone ay halata pa rin sa tinig nito ang takot.


‘Bumabagyo na naman’, naisip niya, ‘parang noong nakaraang lingo lang eh wala pang kalahating oras ay lubog na itong barangay Isidro dahil sa malakas na ulan na dulot ng bagyong MILENYO.. at  hindi pa rin nakakabangon ang mga tao sa naganap na sakuna eh andirito na naman ang isa pang bagyo na ayon sa balita ay mas malakas keysa sa nauna! Ano ba namang problema to!’ minsan, naisip niya, kuwestiyonin niya ang Dakilang Lumikha. Pero mali iyon.


Marami ang nasawi sa trahedyang dulot ng bagyong iyon… maraming ari arian ang nasira, marami rin ang nawalan ng kabuhayan.. sino nga ba ang mas malas? Ang namatayan ng mahal sa buhay o ang lalaking na-busted ng nililigawan? Sino ang mas nakaaawa, ang nawalan ng kabuhayan o ang nasiraan ng tiwala sa sarili dahil sa pamamahiya ng isang propesor sa klase? Ano ang mas nakakatakot, ang bumbay na pinantatakot sa mga bata para hindi lumabas sa gabi o ang nagbabantang mas malakas na trahedya? Marami na talagang pagbabago sa mga mamamayan ngayon. Madami na ngang problema sa bansa, pansariling kapakanan pa rin ang inaatupag ng iba sa atin. Tila tatakbo sa pagiging konsehal si Faith dahil napakalawak ng kanyang pagiisip sa mga ganitong uri ng bagay lalo na at ito’y hinggil sa bayan.


“Mama!!! Sabi po ni kapitan, dun raw po muna tayo sa evacuation area manatili hanggang makalagpas ang bagyo sa bansa.” Nabaling niya ang atensyon sa naglulutong ina. Bakas sa mukha nito ang pagod dahil kakatapos lamang nila mag-ayos ng binahang bahay.


“Bakit naman ako papayag na lumipat eh paano ang mga kagamitan natin dito sa bahay?” Ayaw pumayag ng kanyang ina sa suhestiyon ng kanilang kapitan. Oo nga naman, paano ang mga kagamitan nila sa bahay na ipinundar pa ng kanilang ama?


“Pero mama, mas mabuti na rin po ang ligtas tayo.” Pipilitin pa sana ni Faith ang kanyang mama subalit alam nitong pag ayaw ng kanyang ina. Ayaw talaga nito kahit anong pilit pa ang kanyang gagawin.


“Mabuti pa, kumain ka na, tapos ayusin mo ang mga damit mo, kayo ni bunso ang lilipat sa evacuation area. Dito lang ako sa bahay hanggang sa pagkatapos ng bagyo.” Ramdam ni Faith ang pagmamahal sa tinig ng kanyang ina.


Dumating na ang hapon at kailangan na nilang lumipat sa evacuation area. Ayaw man ni Faith sa suhestiyon ng kanyang ina na magpapaiwan ito sa kanilang bahay. Tila ramdam niya ang kaba, takot at pag-aalala para sa kaligtasan ng ina.


Pinilit niyang itago ang pagtatampo sa ina dahil mas inuna nito ang kaligtasan ng mga kasangkapan kaysa sa pansariling kaligtasan.


“Ate!! Pinapatawag na tayo ni kapitan, sumabay na raw tayo sa service ng barangay.” Parang walang malay sa nangyayari sa loob ng kanilang bahay ang kanilang bunso.


Bago tuluyang nagpasyang lumabas ng bahay ay mahigpit na yakap ang binigay ni Faith sa kanyang ina. Hindi niya mawari kung bakit biglang ginusto niya ang magpaiwan.


“Hala, sige na kayo at baka maiwan kayo ng sasakyan. Magiingat kayo ha. Faith, itong si bunso wag mong hayaang maglaro sa tubig baha. Kung magkaproblema, heto, tawagan mo si Papa.” At iniabot ng kanyang mama ang isang papel na may nakasulat na numero.


“Mama, magkikita pa naman po tayo ah! Kung ano ano sinasabi ninyo, parang magkakalayo na tayo. Ingat rin kayo mama. Love you po” Sabay halik sa pisngi ng ina at yumakap muli.


Dalawang araw nakakalipas at patuloy sa pagbuhos ang ulan sa lugar nila. Wala nang pagkain, at wala pa rin silang balita sa kanyang ina. Kampante man ang kalooban niyang mag-iingat ang kanilang mama, hindi pa rin maiaalis ang kaba dahil napakalakas talaga ng bagyong NENENG.


Nang sumapit ang ika-apat na araw at dahil wala pa rin siyang balita, naglakas loob na si Faith na lumapit sa kanilang Kapitan na abala sa pag-aasikaso sa ibang evacuees.


“Kapitan, may nakapunta na po ba sa bahay namin? Wala pa po kasi si mama eh.. nag-aalala na po kasi ako..” habang kinakausap niya ang kanilang kapitan ay hindi niya nagawang pigilan ang pagtulo ng mga luha sanhi ng napakalakas na takot para sa ina.


“Faith, si mama mo, hinahanap na. Ipapatawag kita kaagad kung may balita na.” Pilit siyang pinapakalma ng kapitan. Sa mga oras na ito, sadyang kinakailangan niya ng lakas ng loob at tibay ng damdamin sa maaaring mangyari.


Bago pa man tuluyang matapos ang usapan nila ng kapitan ay may dumating na rescuers na may dalang malaking bagay na nakabalot sa isang putikang puting tela. Kinilabutan si Faith. Habang tinitignan niya ang gagawin ng kapitan. Hinintay rin niyang makita ang itsura ng taong sinawing palad. Malakas ang panalangin n asana ay mali ang kanyang suspetsa. Lalong lumakas ang kabog sa dibdib habang binubulatlat ang telang mahirap na tanggalin dahil nanigas na ang tao sa loob nito.


Nang mailabas ang kanang braso ng biktima ay tila nawasak ang mundo ni Faith. Ang babaeng biktima ay suot suot ang kanyang regalo sa kanyang ina. Bracelet na ginto. Alam niyang ang ina lang niya ang may ganoong bracelet. Umalis na siya sa eksena at hinayaan sila kapitan na ang mag-asikaso. Problema niya ngayon kung paano ipapaliwanag iyon kay Bunso. 


Lumapit siya sa lugar kung saan nag-o-offer ng libreng tawag, long distance man o hindi at tinawagan ang kanyang papa na mula nang magkaroon ng bagyo ay nag-umpisa na ring mag-alala.


“Hello, papa, ano po kasi, si mama…” hindi maipagpatuloy ni Faith ang pagsasalita. Umiyak na lang siya nang umiayak na nagbigay linaw na sa kanyang ama.


Mabilis na lumipas ang araw. Nabigyan naman ng maayos na libing ang kanilang ina.


Nang matapos ang libing ay tila lalong bumilis ang oras at paglipas ng mga araw para kay Faith. Hindi na siya makasabay sa agos ng buhay.


Isang buwan, dalawa, tatlo, apat… paminsa-minsan ay dumadating pa rin sa puntong umiiyak si Faith sa kanyang kwarto. Masyadong mabilis ang mga pangyayari.


Bago sumapit ang unang taon mula nang mawala ang kanilang ina, napadaan siya sa isang simbahan malapit sa pinapasukan niyang trabaho. Wala namang okasyon ng araw na iyon, naisip lang niyang pumasok sa loob nito at manalangin kahit ilang segundo.


Pagkapasok niya ay lumuhod at nagdasal siya.


Matapos magdasal ay pinili niyang manatili pa sa loob ng simbahang iyon. Nagmasid siya. Nabasa niya ang isang pahayag sa wikang inggles:
“MY SOUL REJOICES WITH HIM IN ETERNITY”


bakit? Tanong ng kanyang isip. Si mama. Masaya na raw siya. Naiyak siyang muli.


Ang pahayag na iyon ay talagang nagmulat sa kanya. Alam niya na ngayon na masaya ang kanyang mama sa piling ng Dakilang Lumikha. Mahirap man para sa kanya na tanggapin ang katotohanan ay dapat niya iyong gawin dahil naisip rin niya na mas mahirap para sa kanyang mama ang makita silang nalulungkot.


Nagsimula muli ang agos ng buhay para kay Faith. Nawalan man ng mahal sa buhay rito sa lupa ay alam niya na nagkaroon naman sila anghel sa langit na gagabay sa kanila ng kanyang kapatid.


tiderlie022